Amoy Pa More! Dalawang Babae, Nagsabunutan Dahil Isa sa Kanila Mabaho ang Kili-kili

Viral ngayon sa social media ang video post ng isang Netizen tungkol sa pag-aaway ng dalawang babae. Ang nakakagulat na dahilan ng kanilang pagtatalo ay dahil isa sa kanila ay may amoy o bahalo ang kili-kili.

Ang Netizen na nag-upload ng video ay nakilala sa pangalang Hikaru Hiro sa kanyang Facebook account. Ayon sa kanya, bigla na lang raw nag-away ang dalawang babae sa front seat. Hindi na raw nakatiis ang isang babae dahil sa mabahong kili-kili ng kanyang katabi.

Sa video, kitang-kita ang pagtatalo ng dalawa na humantong sa pagsasabunutan. Inawat naman sila ng iba pang pasahero at drayber ng sasakyan subalit nagpatuloy parin sila sa kanilang pananakit sa bawat isa.

Ang video na ito na nai-upload noong June 20 ni Hikaru Hiro ay umabot na ng 743K Views at nasa 9.2K Shares na ngayon.

Panoorin ang Video:

Reaksyon ng mga Netizens

Ang video post tungkol dito ay umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga Netizens. Sa katunayan nga nasa 4,983 comments na mayroon ang naturang video. Basahin ang ilan sa mga naging reaksyon ng mga kababayan natin sa naganap na insidente.

SOURCE: Facebook

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think