Dahil sa sobrang antok ni mamang driver, pasahero nagpresintang maging driver

Isang babaeng nag-ngangalang Cristina Tan ang nagpresinta na siya nalang ang magmaneho ng kanyang sinasakyang taxi dahil hindi na kayang magmaneho ng driver ng taxi sa kadahilanang sobrang antok na ito.
Kwento ng dalaga, kinausap siya ni mamang driver na bumaba nalang at lumipat nalang sa ibang taxi dahil sobrang antok na ito at hindi na kayang magmaneho ngunit hindi ito pumayag.

“While on the road sabi ni tatay (taxi driver) lipat nalang daw ako dahil hindi nya kaya mag drive sa sobrang antok” ani ng dalaga.

Ngunit nagdalawang isip ang dalaga sa kadahilanang natatakot ito na baka hindi agad makahanap ng ibang masasakyang taxi kaya nagpresinta itong siya nalang ang magmaneho.

“Sabi ko delikado naman kung baba ako somewhere hindi ko alam kung makakasakay agad ako so i insist ako na ang mag drive dahil malayo pa ang bahay ko from our location”

Ayon kay miss Tan, pinilit nalang niya magdrive upang makapagpahinga si mamang driver at makaidlip kahit konti.

“Pero pinilit ko nalang para maka idlip sya habang traffic. Nung ako na ang nag ddrive nakatulog agad sya at humihilik pa.”

Basahin sa ibaba ang buong kwento:

First time ko mag drive ng taxi. Haha
While on the road sabi ni tatay (taxi driver) lipat nalang daw ako dahil hindi nya kaya mag drive sa sobrang antok, sabi ko delikado naman kung baba ako somewhere hindi ko alam kung makakasakay agad ako so i insist ako na ang mag drive dahil malayo pa ang bahay ko from our location at first ayaw niya nahihiya at akala nya hindi ako marunong mag drive ng manual. Pero pinilit ko nalang para maka idlip sya habang traffic. Nung ako na ang nag ddrive nakatulog agad sya at humihilik pa. Habang nasa byahe ang dami pumapara sa taxi tapos nagugulat at natatawa dahil babae ang driver. Anyway, 70yrs old na si tatay sabi nya panahon pa ni marcos taxi driver na sya at puro babae anak kaya naghahanap buhay pa rin till now. Ginising ko nalang si tatay nung nakarating na kami sa bahay ko. Wala lang gusto ko lang i share kasi first time ko. Haha

Source: dailytopmedia, TOP CARS Manila
What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think