Dating sexy star Kat de Santos arestado dahil sa illegal drugs

Kasamang nadakma ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang dating miyembro ng Baywalk Bodies sa isinagawang anti-criminality campaign sa nabanggit na lungsod, nitong Sabado ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Supt. Robert Sales, hepe ng La Loma Police Station 1, ang naarestong miyembro ng Baywalk Bodies na si Katrina Santos o alyas Kat de Santos, 26-anyos, residente ng Tonsuya, Malabon City.

Sa inisyal na ulat, alas-tres ng madaling-araw ay nagsagawa ng drug operation ang Drug Enforcement Unit ng La Loma Police sa Barangay San Jose at naispatan ang isang lalaki na kasama ni Kat at may iniaabot na sachet ng shabu sa isa pang lalaking kausap.

Nang makita umano ang mga awtoridad ay mabilis na nagpulasan ang dalawang lalaki at naiwan si Kat na agad na nadakma ng mga pulis.

Matapos na makunan ito ng isang sachet ng shabu ay binitbit na nila ang sexy star sa himpilan ng pulisya.

Agad ding na-inquest sa piskalya ng QC ang dating sexy star at kinasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Kabilang sa mga naaresto ng La Loma Police Station sina Benalyn Sabares, 37; at Rex Baguioro, 50, dakong alas-sais ng hapon (Mayo 4) sa Apo St., cor. Amoranto, Brgy. Lourdes.

Naaresto naman si Fernando Grafe, 27, ng Brgy. Manresa, bandang alas-siyete ng gabi sa Panulturan St., Brgy. Manresa, La Loma.

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think