Duterte sa public hospitals: Libreng serbisyo para sa dengvaxia victims

Duterte sa public hospitals: Libreng serbisyo para sa dengvaxia victims – Nowreader.co

Para maibsan man lang ang pag-aalala ng mga magulang para sa kanilang anak na natukuran ng Dengvaxia, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na lahat ng pampublikong ospital na gawing libre ang serbisyo at pagpapagamot ng mga bata. Lubos pa rin ang pangangamba ng mga magulang para sa kanilang anak.

Para maibsan man lang ang pag-aalala ng mga magulang para sa kanilang anak na natukuran ng Dengvaxia, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na lahat ng pampublikong ospital na gawing libre ang serbisyo at pagpapagamot ng mga bata.

Lubos pa rin ang pangangamba ng mga magulang para sa kanilang anak. Kaya ang paraan ni Duterte upang matulungan ang mga magulang ay gawing libre ang medical service ng mga publikong ospital.

Ang magandang balita ay inanunsyo ni Presidentgial Spokesperson Harry Roque ngayong Biyernes sa Dr. Manuel T. Fuentebella Memorial Hospital in Sagñay, Camarines Sur.

Saad niya, “Inutusan din ng Presidente na lahat ng pampublikang ospital ay dapat magbigay ng serbisyo doon sa mga kabataan na naturukan ng Dengvaxia.”

“Sasagutin na po ng gobiyerno yung halaga ng paggamot doon sa mga naging biktima ng Dengvaxia.” dagdag pa niya.

Ayon kay Roque, sinabi umano ni Pangulong Duterte na posibleng kumuha ng banyagang clinical pathologist dahl sa kakulangan dito sa bansa upang maexamine ng mga labi ng batang namatay sa Dengvaxia.

“Dahil sa kakulangan ng clinical pathologists dito sa Pilipinas, nagsalita na ang Presidente na kung kinakailangan, kukuha tayo ng mga dayuhang clinical pathologists para pag-aralan kung itong mga kabataang namamatay nga ay namatay dahil sa Dengvaxia vaccine.”

May mensahe rin si Roque para sa mga magulang na nag-aalinlangan at ayaw ng magpaturok bakuna.

“Nananawagan po ang Palasyo sa mga nanay at tatay, hindi po lahat ng vaccines ay masama. In fact, ongoing pa po ang imbestigasyon sa Dengvaxia.”

Bagkus rito, nagpahayag naman ng opinyon ang mga kababayan natin sa hakbang na ito ng palasyo.

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think