LOOK: Ang Masaklap na Sinapit ng isang Buntis Matapos Magpa-cesarean

Nakakaawa ang salaysay ng isang Ina tungkol sa sinapit ng kanyang anak matapos magpa-cesarean sa Tarlac Provincial Hospital.

Ayon sa post ni Zenaida Santos, ina ng nagpa-cesarean, paglabas raw sa operating room ng kanyang anak na si Camille Santos Carlos ay wala na raw ito sa kanyang sarili, walang paningin, hindi na makapagsalita, hindi na makagalaw, namamayat na at nakabaluktot na ang kanyang kamay at paa.

Noong Agostog 7,2017 pa raw ginawa ang operasyon at hanggang ngayon ay hindi pa raw sila nakalabas sa nasabing Hospital.

Dismayado rin ang ginang dahil wala na raw doktor na tumitingin sa kanyang anak.

Bilang isang magulang, nanawagan si Zenaida Santos sa publiko na sana mapanagot ang mga doktor na nag-opera sa kanilang anak.

Basahin ang buong post ni Zenaida Santos

“Dear sir and mam,aku po si zenaida santos nanay pu ni camille santos carlos.isa pu sa pasyente dito ang anak ko sa tarlac provincial hostpital.aug 7,2017 nasessarian pu ang anak ko.pumasok sa or para operahan siya paglabas pu nang operating room.wala na pu siyang alam.hanggang ngayon nawala pu ang kanyang paningin,pagsasalita,at dinarin pu siya gumalaw.nakabaluktut napu ang kanyang kamay at paa.naglantang gulay narin pu siya.10months napu kami dito wala na pu tumitingin na doc sa kanya naka sign out napu lahat ng doc niya.kung kaninu napu aku humingi ng tulong pero dirin pu nila kami natulungan.pag nakikita ku pu ang anak ko awang awa napu aku sa kanya sobrang payat na payat napu siya.sana pu umihingi pu ako ng tulung sa inyo sana matulungan nyo pu kami.hindi po pinansial ang inihingi kung tulung.sana matulungan nyo kami dun sa mga doc na sumira sa buhay ng anak ko.nag demanda pu kami ilang buwan napo hanggang ngayon wala parin po.sana po ma awa napu kayo sa amin.maraming slmt po.”

Ito siya noon:

Photo from Camille Santos Carlos/ Facebook
Photo from Camille Santos Carlos/ Facebook
Photo from Camille Santos Carlos/ Facebook
Photo from Camille Santos Carlos/ Facebook

Ito siya ngayon:

Photo from Zenaida Santos
Photo from Zenaida Santos
Photo from Zenaida Santos

Ang post ng ginang na ito tungkol sa sinapit ng kanyang anak ay agad nagviral sa social media. Sa katunayan umabot na ito sa 37,224 Shares.

SOURCE: Zenaida Santos

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think