LOOK: Bastos na Baklang Abogado, Inagaw ang Upuan ng mga Bata at Nakipag-away sa mga Pasahero

May bagong trending naman ngayon sa Facebook na pinag-uusapan at ikinagalit ng mga Netizens. Nakunan kasi ng video ang naging asal ng isang pasaherong bakla sa loob ng LRT.

Ang video post tungkol dito ay viral na dahil umabot na ito sa 11,770 Shares sa loob lamang ng 4 na oras.

Basahin ang buong pahayag ng nagpost

“Sobrang Bastos at arogante ang pinaka eksaktong salita para idescribe ko ang nakasakay ko sa PWD section Lrt 1, UN ave. Kaninang hapon.

Pagpasok pa lang ng bagon sinigawan niya agad ang 2 bata na may edad na 3 to 5 na, “tumayo kayo dyan! Umalis kayo dyan at uupo ako! Nagulat ang mga bata at kita sa mukha ang takot at pagkagulat pati ang ina nila may bitbit pang sangol. Piangyabang pa ng bastos na ito na abudago daw siya at CPA at wala daw alam sa batas ang lahat ng nasa loob ng bagon. Mas may karapatan daw siya na umupo kesa sa mga bata kaya pinalayas niya ito nga pasigaw. Hinamon pa niya ng suntukan ang babae o ang ina ng mga bata at sabi sabunutan na lang daw.

Pwede naman niya sana patayuin yung mga bata pero sa maayos na paraan hndi yung sinigawan mo agad na kala mo ikaw may ari ng lrt. Sobrang bastos mo na, inaabuso mo pa yung titulo mo na pagging abugado at pinagyayabang mo pa sa lahat ng pasahero na mayaman ka. Wala kang modo tarantado ka!!! Pano pag natrauma ang mga bata. Sana agad makilala kung sino ito at mabigyan ng aksyon at bastos at aroganteng animal na to!”

SOURCE: Lorenz Francis D. Tanjoco

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think