LOOK: TV Patrol, Nag Balita ng ‘Fak3 News’ Tungkol sa Rally ng mga Guro

Kahapon lamang ay nag-viral ang video post TV Patrol tungkol sa kanilang ulat na pagra-rally ng grupo ng mga guro sa Quezon City.

Ito ang caption ng video post ng TV Patrol. Nag-welga raw ang mga guro bilang pagtutol sa gagawing mandatory drug testing sa lahat ng guro sa Pilipinas.

Ang report na ito ng TV Patrol sa kanilang Facebook page ay nag trending subalit binura na ito ng ABS-CBN.

Pero nakunan ito ng kopya ng isang Netizen at inapload niya ito sa kanyang Facebook account. Ang Netizen na ito ay nakilalang si Jez Elladora.

Panoorin ang Video:

Ayon kay Elladora, nagrally raw ang mga guro dahil sa DELAYED ALLOWANCE at hindi dahil sa DRUG TESTING.

Post ni Jez Elladora

Sa comment section ng post ni Elladora, mababasa ang dismayadong komento ng isa ring Netizen.

Ibiinahagi ng Netizen na ito na nagngangalang Neltissa So ang naging pahayag ng nangngangalang Llenor Manuel.

Ayon raw kay Llenor Manuel, iresponsable ang pagbabalita ng Abs cbn na tinawag niyang AbiasCBN o mas kilala sa tawag ng iba na Bias CBN.

Kita umano ni Manuel ang buong pangyayari, ang sapilitan umano nilang pagpasok sa Quezon City hall ay dahil sa ulat. Ayaw umano nila magkasakit kaya nila gustong makisilong hindi dahil para manggulo.

Ikwenento rin ni Manuel ang magandang loob na ginagawa nila sa Mayor kapag pumupunta ito sa mga public school pero ang ginawa raw ng mga security guard ng city hall ay walang pag-respeto sa kanila. Nakiusap siya na huwag husgaan ang mga guro dahil lang sa maling balita ng TV Patrol.

Comment post ni Neltissa So

Ikinagulat naman ng ilang Netizens ang pagkakabura ng video post ng TV Patrol. Siguro nga, guilty sila dahil mali ang kanilang naibalita. Ito po ang ilang sa mga post ng mga nagtatakang Netizens.

Kayo na po bahala manghusga kabayan. Ang video post ng TV Patrol ay napanood ng mga maraming Filipino, nasa 1.1 Milyon na yata yun. Maling impormasyon po ang kanilang natanggap at naging masama ang kanilang tingin sa mga guro ng Quezon City dahil lang sa pahayag ni Quezon City Public Teachers Association President Mabella Caboboy.

“Hindi po kami mga drug adik at mga drug users. Nakakainsulto po yun’ sa aming propesyon na kami ay pinahihinalaan.” ito po ang sabi ni Mabella Caboboy

SOURCE: Jez Elladora

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think