Regine Velasquez: “Mr President kuha na po namin na hindi kayo naniniwala kay GOD”

Bilang isang mamayang Filipino, mapa-artista ka man o mapa-ordinaryong Pinoy ay may karapatan kang magpahayag ng reaksyon o opinyon sa mga nangyayari sa ating bansa sa pamamagitan ng mga social media para makarating ito sa mga tao.

Mukhang nadismaya si Mrs. Song Bird Regine Velasquez Alcasid sa mga banat ni pangulong Rodrigo Duterte sa panginoon na sinasamba ng mga pari ng katoliko.

Sa isang tweet post ni Regine noong July 7, sinabi nito na “Mr President kuha na po namin na hindi kayo naniniwala kay GOD.”

Sabi pa sa singer, “Nalulungkot na talaga ako, Hindi ako mahilig makialam sa mga ganito pero..”

Nakiusap rin siya na huwag na idamay sa pamumulitika si “God“.

“Pero marami po sa amin ang naniniwala sa kanya. Hindi naman po namumulitika si God kaya wag na po natin sya idamay.” pahayag ni Regine.

Sa huli ay kanya ring ipagdarasal ang pangulo sa kanyang panginoon para gabayan umano ito na pamunuan ang bansa.

“But still I pray for you. May GOD bless you and may HE show you the right way to lead our country. In Jesus name I pray.” sabi sa tweet ng song bird.

Sa mga tweet o post ni Regine, may nag comment rito at pinaliwanag sa aktres at singer ang pahayag ng pangulo laban sa diyos ng katoliko.

“No, Miss Reg, naniniwala po sya na may Diyos, mali lang po kasi ung intindin ng iba sa sinabi nia, nag-focus sila dun sa “stupid” god na sinabi nia po, if panunuorin nio ng buo ung video as in sa umpisa, malalaman nio na he believes in God, at mabuti ang Diyos na kilala po nia.” sabi ng Netizen sa kanyang comment.

Ito rin ang pananaw ng isang Netizen.

“He never said he doesn’t believe in God. In fact he said that he really believe na may God. At ang God nya ay hindi stupid na gaya ng God na sinasamba ng mga pari. for me, parang ang point nya dun is kung talagang believer sila ng true God ay hindi gnyan ang mga actions nila.” komento ni Hernan Capati

SOURCE: Regine Alcasid Twitter Account

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think