Viral: Dalawang lalaki, hindi umano nagbayad ng binili, nambato pa ng saging sa mga bata

Galit na galit ang mga netizens ngayon matapos magviral sa social media ang ginawang pambabato ng dalawang lalaki sa mga batang humingi lang ng pagkain sa kanila.

Kuha sa CCTV na ibinahagi ng Philippine Most Trending page, kita na may dalawang lalaking kumakain ng saging at nang napadaan ang mga batang nakakariton at nanghingi ay biglang nanbato ng kinakaing saging ang isang lalaki.

Maraming nagreact na netizens dahil sa pagmamayabang ng dalawa at hindi man lamang naawa sa mga bata.

Ayon pa sa kwento, hindi rin umano nagbayad ng biniling saging ang lalaki at ipinangangalandakan pa ang kayabangan.

Nangyari umano ang insidente sa Barangay Masambong sa Quezon City.

Panawagan ng nagbahagi ng video na makilala ang dalawang lalaki at maturuan ng leksyon upang matuto.

“Guys! Eto po yung dalawang panot na mayayabang, akala mo kung sino! Hindi na nga nagbayad sa saging nambato pa! Humihingi lang naman yung mga batang nagkakariton ng saging sa dalawang lalaki na ‘to pero binato lang ng saging itong mga bata.. paki SHARE na lang po para umabot sa kapitan ng Brgy. Masambong at mabigyan ng Leksyon itong mga siga!”

Panoorin ang buong pangyayari:

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think