WATCH: Kawawang Aso, itinali ng amo sa initan maghapon araw araw

Viral ngayon sa social media ang pinost ng isang Netizens tungkol sa kaawa-awang kalagayan ng aso ng kanyang kapitbahay.

Ang Netizen na ito ay nakilalang si Nemie Zaballero Carurucan at ang video post na nai-upload nito ay umabot na sa 9.6K Comments at 18K Shares sa loob lamang ng 7 oras.

Ayon kay Carurucan, naawa raw siya sa aso ng kanilang kapitbahay dahil maghapon raw itong binilad sa sikat ng araw.

“Kawawang aso ng kapitbahay namin ..itali mo ba nmn ang aso mo sa initan maghapon araw araw.” sabi ni Carurucan sa kanyang post.

Binanatan ni Carurucan ang may ari ng aso. Ayon sa kanya, mas mainam raw na ipamigay niya na lang ang aso nito kaysa pahirapan. Mas mainam rin raw kung magpalit sila ng sitwasyon sa aso sa amo nito.

“Di nmn sa nakikialam ako pero pakikialaman ko na kung dimo kayang alagaan ang aso mo ipamigay mo nalang kundi ko pa tinabingan at lagyan ng sampahan malamang patay na ang kawawang aso mo..mas maganda siguro kung palit kayo ng pwesto ng aso mo” banant ni Carurucan sa may-ari ng aso.

Sinubukan rin raw nila i-rescue ang aso pero bigo sila dahil naka-kadena raw ito.

“Sinikap po namin sya i rescue pero nka padlock ang kadena nya kaya nilagyan nlang nmin sya ng sampahan pra lumuwag an kadena nya sa leeg at shed ng maibsanang init pero sa kabila nun ay dpa rin sya nka survive” paliwanag ni Carurucan.

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think