WATCH: ‘Manyak’ na Grab Driver, Malapit na Mabugbog Dahil sa Panghihipo?

‘Manyak’ na Grab Driver, Malapit na Mabugbog Dahil sa Panghihipo!

Viral ngayon sa social media ang isang post ng isang Netizen tungkol sa kanyang sinapit sa isang Grab Driver kung saan hinipuan umano siya ng mamang driver. Ang babaeng pasahero ay nakilalang si Christine Anne Pinto habang ang Grab Driver naman na inirereklamo ay nakilalang si Louie Castro Pangilinan.

Viral ngayon sa social media ang isang post ng isang Netizen tungkol sa kanyang sinapit sa isang Grab Driver kung saan hinipuan umano siya ng mamang driver.

Ang babaeng pasahero ay nakilalang si Christine Anne Pinto habang ang Grab Driver naman na inirereklamo ay nakilalang si Louie Castro Pangilinan.

Photo source from Christine Anne Pinto Facebook (Ang pasahero at ang Grab Driver)

Ito ang buong salaysay ni Christine Anne Pinto.

BEWARE‼ GRAB DRIVER NA MANYAK‼ VY 2772 Vios Black Luis Castro Pangilinan.

7:49PM, April 26,2018 ng nagbook ako dito kay kuya! From SM megamall to Antipolo, and sa tagal tagal ko naman ng nagggrab lagi ako sa harap nakaupo dahil nakasanayan naman na, di ko naman ineexpect na kakaiba pala mga da’moves netong driver na to.

Eto na simulan ko na ung kwento, pagsakay ko ng sasakyan naging okay okay kase malamig aircon at shempre napagod ako kakaikot sa mall kaya tinanggal ko muna sandals ko at uminat. Sabi ni kuya “Anong gnawa mo sa mall?” Like wtf anong pake mo dba? Pero shempre mabait ako sumagot ako may binili lang po. Sabi nya “nakipagdate ka yata eh” then ngumiti lang ako. Tapos sabi nya ang ganda ng ngiti mo ha? Sabay balya ng mahina na parang akala mo “close” kami. Then maya maya sabi ko sknya, buti kuya inaccept mo ung booking ko kase kanina pa po ako nagbbook eh. Sabi nya taga antipolo din kase sha kaya inaccept nya. Sabay nagtanong sha, nagaaral ka pa ba? Sabi ko opo. Saan daw? Then binanggit ko ung school ko. Tapos sabi nya “malapit lang ako dun eh”. Shempre di naman ako bastos para di sagutin ng maayos ung driver, kaya sinagot ko ng maayos pero di ko alam na may kakaibang da’ moves sha. Tnanong nya ulit ako ilan taon kna? Sabi ko bakit po? Sabi nya wala lang, sabi ko sa tingin nyo po? Sabi nya, “Hulaan ko, ano premyo?” Tapos bigla na kong kinabahan like “tang ina nanghihingi pa ng premyo” sabi ko isang mamon po. Sabay banggit na kuya kapag may nadaanan po tayong RED Ribbon o kahit anong bilihan ng cake padaan lang saglit. Pumayag naman sha, pero sabi gusto mo hanap tayo ng mabibilhan ng cake? Sabi ko wag nalang po. Dun nalang sa madadaanan natin, sinabi ko un ng nakangiti tas bigla shang bumebwelo ng hawak sa baba(chin) ko, pero hnaharangan ko kase dama ko na nakadikit na ung kamay nya sa balikat ko, tapos ayun hanggang sa nahawakan nya ung baba ko, sabi ko ano ba yun? Sabi nya wala ang ganda mo kase, tinanong kung may boyfriend nko. Sabi ko “Opo meron na”, sabay sabi nya na “kung ako boyfriend mo hatid sundo ka sakin gamit tong kotse ko.” Odba ang yabang?! Sabi ko “may pang grab ako” tapos sha natawa. Tapos dun na nagsimula pamimilit at panghaharass nya saken out of nowhere bigla nya ko pipilitin na iharap ung mukha ko sa kanya eh nagccellphone ako, sabi nya patingin nga ng mukha. Tapos ginawa ko tinitigasan ko ulo ko sabi ko ayoko ha! Tapos tumahimik sha, then bigla sumitsit ang lakas ng tama sabay sabi isang ngiti naman jan tapos pilit nya na naman hinaharap mukha ko sa kanya. Sabi ko ano ba! Ayoko nga, sabay sabi nya kulit mo eh noh? Ilaglag kaya kita jan?! Doon na ako kinabahan at natakot😰 pero shempre di ko pinahalata un. Kunwari deadma lang ang lola mo. Habang paulit ulit nyang hinahawakan baba ko at ako naman paulit ulit ko din tinitigas un ulo ko para hndi nya maiharap sknya at hinaharang ko dn kamay ko para di nga mahawakan baba ko, sha walang pake kahit di na customer turing nya sa pasahero nya. Ako ayoko naman sigawan kase parang kakaiba si kuya, sa mga kilos nya pa lang parang di normal at para bang may baon kaya natakot akong palagan sha or what, kase isipin nyo may matino bang gagawa nun? Dba wala?! 😡 Tapos along Marcos Highway bgla shang nagsasabi, ligawan kita ma’am? Sabi ko, kuya may boyfriend na ko. Di naman sguro malabo na may asawa ka dba? Tapos sabi nya di naman kita papabayaan at hatid sundo ka saken. Sabi ko may boyfriend na ko kuya! Sayo kaya gawin ng asawa mo yan gngwa mo?! Sabi nya hndi naman daw malalaman. Wala naman daw masama kung itry ko lang, tignan daw namin kung mag-grow. (Napaka-feeling) Tapos dineadma ko sha kase bukod sa wala naman akong pake nagloloko pa ung internet ko at hndi ako makapagchat para maisumbong na nga sha. Tapos maya maya sabi nya?

D: “Ano?”

Me: “Anong ano?”

D: Anong plano mo? Payag ka ba?

Me: (sa bwisit ko pinangaralan ko pa, kahit mas matanda sha saken) Alam mo, wala sa plano ko ung ganyan. Bukod dun, isipin mo bakit mo gagawin un may asawa ka? Gusto mo ba masaktan ung asawa mo dahil sa gngwa mo sakin ngayon? Baliktarin na din natin, pano kung gawin sayo ng asawa mo yan? O sa asawa mo gawin yan? Masakit dba? Isipin mo nalang yun.

D: Bakit ba ganyan pag-iisip nyo? I-ttry lang naman hndi naman malalaman at di ipapaalam

Me: Hindi nga!!!

Then eto na nga dumadamoves na naman sha hahawak na naman sa baba ko tapos tinatakpan ko na then pinilipilit nya hawakan ung kamay ko sabi ko ano ba un? Nakasara un kamay ko at tinitigas ko din para di nya mabuksan at iniiwas ko kamay ko. (Paulit ulit nya gnwa ung pagpilit na hawakan kamay ko)

D: Hawakan mo na kase kamay ko. Bakit malamig ung kamay mo?

Me: (deep inside “gago nakakatakot ka kase, pati mukha mo”) Wala, naka-aircon kase (nagdahilan nalang ako)

D: (removing my seatbelt) tanggalin ko na to tapos sandal ka nalang saken

Me: (habang pinipigilan ko sha sa pagtanggal) Huh? Bakit? Wag mo tanggalin! Mamaya mabangga pa tayo eh.

D: ako nga walang seatbelt eh

Me: Ikaw un, ako kylngan ko to kase baka maaksidente tayo dahil sa gngwa mo!

D: Sumandal ka nga saken (habang pinipilit nya ko na sumandal sknya)

Me: ano ba ayoko!

At dun na po sha nakada moves ng hawak sa dibdib ko, habang pinipilit nya ko sumandal sknya at hnihila nya ko bgla nya dinampi ung arms nya sa dibdib ko tapos iniiwas ko. Then maya maya, ung kamay nya bnbwelo nya na naman na ihawak sa baba ko. Ako naman iniiwas ko dahil mahahawakan nya na naman pati ung sa dibdib ko. At ayun na nga sa paulit ulit nya kong gnganun at ako naman sa paulit ulit na iwas, napakabilis ng kamay nya para mahawi ung damit ko at sabihin “may tattoo ka dito?” (Shempre nahawakan nya na naman ung dibdib ko)

Me: wala akong tattoo ano ba!

D: Eh ayan may tattoo ka oh

Me: ayan nga meron pero bakit pati jn? Wala jan! Ano ba?!

D: (bglang hawak sa baba ko) ang ganda mo talaga (pilit ako hinahaltak at hinalikan ulo ko) ang bango ah!

Me: (tang ina ano ba tong nasakyan ko, magbabayad naman ako, pero bakit ganto) deadma kase nakulitan at nabwisit na ko eh.

At ayun sa wakas nagkaron na ko ng internet then chinat ko na ung boyfriend ko na Help, nanghihipo na ung driver ang bastos

D: Sino yan? Boyfriend mo?

Buti di nya nakita chat ko sa bf ko, sabi ko oo hnahanap nya kase ako.

D: Malapit na tayo, anong na? Payag ka na kase tapos sunduin kita lagi kapag papasok ka sa school

Me: Hndi nga!

Tapos hnggang sa nakakita ako ng red ribbon, sabi ko ayan red ribbon itabi mo muna. Dun ako nakakuha ng chance na tawagan ung bf ko at makapagsumbong. Di alam nung driver na pinaabangan nko sa kanto ng bf ko sa mga tropa. Then sabi ko sa bf ko na di ako papahalata sa driver na nagsumbong nko kase mmya ano pang gawin saken. Tapos ayun bumalik nko sa sasakyan tapos sabi nya, anong plano mo?

Me: anong plano?

D: malapit na tayo, di ka pa ba ppyag?

Me: bahala ka, hndi nga.

D: kukulitin pa ba kita?

Me: hndi na, di na kylngan.

(tumahimik ako kase kinakabahan pdin ako sknya, mmya kung ano na naman gawin)

D: tumahimik ka yata

Me: huh?

D: bigla ka tumahimik eh.

Me: kanan ka na jan

D: (binabagalan mag-drive) tawag tawagan kita ha? Malapit ka na bumaba eh. Ttawagan kita lagi at susunduin.

Me: hindi, ayoko nga eh

Tapos ayun hnggang sa nakita ko mga tropa at sinalubong nila ung pagbaba ko.
Nung nakita ko sila, feeling ko andun na ung magliligtas saken kaya naiyak nalang ako bgla dahil sa tagal tagal kong nagggrab ngayon lang may nangharass saken ng ganto.
After ng incident ay nagpunta na kami agad sa police station para magreport! Idedemanda ko tong driver na to at paniguradong pagbabayaran nya ung gnawa nya saken! Kaya humanda kang hayop ka!

Mga susunod na pngyayari ay ung nasa video na po, nauutal utal sha kase di nya alam sasabihin sa mga tropa. Kesho sabi nya saken hntayin nya daw ako sa robinson lagi at sabi nya nakikipagkybgan dw sha saken, sa GIST daw kase ako nagaaral kaya kilala nya ko. Eh di ko nga sha kilala. Tang ina ganun na pala makipagkybgan ngayon? Hihipuan mo ung babae?! Parang walang ina ung gantong tao! Sinasabi ko sayo kuya, ngayon palang dahil sa gnawa mong yan. Asahan mong di ko palalampasin to at pagbabayaran mo gnawa mo. Para walang mga naaabusong pasahero sa katulad mong manyak na driver!! Wala nalang akong nagawa knina kundi naiyak dahil akala ko di nko makakauwi pero nung nakita ko sila. Naisip ko na shit may nagligtas saken. Matapang pa si kuya driver, okay lang daw na kahit masaktan sha. Kapal ng mukha! Mukhang may baon kase. Sino ba naman payag na masasaktan diba gago?! At FYI di daw sha ADIK, pero bakit galawang adik?!

PS: Sorry sa mga mura, di ko na kase kinaya eh

PPS: Sa mga nagsasabi na bakit di ako bumaba or what, humingi ng tulong, eto lang masasabi ko. Kung kayo nasa sitwasyon ko at ngayon nyo lang naranasan ung ganun ewan ko nalang dahil hndi ko rin naisip kung anong dapat kong gawin dahil nanghaharass sha.

PPPS: Walang traffic kaya hindi ko na binalak na bglang bumaba, baka mas ikamatay ko pa.

PPPPS: Sa mga nagsasabi na bakit pinaabot ko sa pa drop off point eto masasabi ko, kesa sa labas o sa kalsada pko manghingi ng tulong. Baka wala pang tumulong saken o baka ika aksidente ko lang un dahil baka humarurot lang paalis ung driver then wala na. Mas napanatag pdin ako dahil mga kybgan ko ang nagligtas saken.

Thankyou Cyril, Jm, Luis at dagul ☹️ Naiyak nalang talaga ako. Thankyou talaga sainyo

Lesson Learned: Di na ko uupo sa unahan, kahit nakakahilo magcellphone kapag nasa likod.

Grab LTFRB Citizen Enforcer LTFRB Central Office Sana po bigyan nyo ng leksyon yang driver na yan, para wala na siyang mabiktimang iba!

SOURCE: Christine Anne Pinto

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think