WATCH: Nagpapanggap na pulis, huli matapos sinita ng isang tunay na pulis

Nagpapanggap na pulis, huli matapos sinita ng isang pulis

Isang nagpapanggap pulis ang nayari ng mga tunay pulis dahil wala itong maipakitang identication card (ID) na nagsasabing tunay siya na pulis. Sa video na ibinahagi ni Erizz Ranera, sinabi ng nagpakilalang lalaki na isa umano siyang isang PMAer taong 2001. Habang siya’y in-interrogate ng pulis at hiningian siya ng ID ay wala na itong maipakita.

Isang nagpapanggap pulis ang nayari ng mga tunay pulis dahil wala itong maipakitang identication card (ID) na nagsasabing tunay siya na pulis.

Sa video na ibinahagi ni Erizz Ranera, sinabi ng nagpakilalang lalaki na isa umano siyang isang PMAer taong 2001.

Habang siya’y in-interrogate ng pulis at hiningian siya ng ID ay wala na itong maipakita.

Nang kalaunan sa kakatanong ng pulis ay humingi ito ng dispensa dahil napagtanto niyang nagkamali siya.

Ngunit tila mailap ang lalaki dahil umiiwas ito sa tanong at hindi makasagot ng deretcho. Kaya mas lalong nag-init ang pulis dahil halatang may itinago ito.

Hindi natukoy sa video ang dahilan kung paano nagsimula ang alitan. Ang nabanggit lang ay tinakot niya umano ang ilang mga nakatambay doon sa lugar, pinapaalis dahil mag-jogging ito.

Sakto naman na nandoon din ang mga off-duty na pulis. Kaya hindi nakaligtas ang nagpakilalang Major.

Sa video, saad ng pulis na pina verify niya umano sa kasamahan kung tunay na pulis at Major ang lalaki, ngunit wala umano ang pangalan nito na nagsasabing pulis talaga.

Kaya rin hindi siya tinantanan ng pulis hanggat hindi nagsasabi ng totoo.

Makikita sa video, na ayaw nitong ipatingin ang bag kung kaya mas lalong nanghinala ang mga pulis.

Sa huli, dinakip ang lalaki matapos makitang may itinatagong baril sa bag at may chapa pa ng PNP.

Panoorin ang video:

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think