WATCH: Tatlong Pulis na Magkakapatid, Sumugod sa Bahay ng Nakagitgitang Rider

Nirereklamo ngayon sa social media ng isang Netizens, nagngangalang Jessie Malaya ang pagsugod ng tatlong magkakapatid na pulis kasama ang kanilang ama sa mismong tirahan nila para umano kausapin ang kanyang ama dahil nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan sa daan.

Ikinagalit ni Malaya at ng kanyang pamilya ang pagsugod ng mga pulis na ito na nakasibilyan at may bitbit pa umanong baril kahit panahon ng ‘Gun Ban’.

Nagpasalamat rin siya dahil naroon ang kanyang tito na retiradong pulis na siyang nakiusap sa mga sumugod na pulis.

Ito ang buong pahayag ni Jessie Malaya.

“This is what happen April 28, 2018

Road incident na napunta sa sugudan. Nagdridrive ng motor tatay ko. Nang makagitgitan niya tong pulis na naka Nazareth shirt. Nung magkagitgitan na sila. Hinayaan nalang ng father ko. Hanggang sa pinoprovoke pa din siya ng pulis to. Hanggang sa nagtawag pa. Sumugod sa aming bahay ng mga nakacivilian. At mga nakabaril na parang may operation. Pag dating sa aming bahay. Nangigigil sa galit yung tatlong magkakapatid na pulis. Soriano brothers. Gawain bang matinong pulis yung ganto? Buti nalang nandito yung tito kong pulis (retired) Pero kilala pa din siya. Kinakausap n niya yung ama ng tatlo. Sige padin yung 3 pulis n magkakapatid sa galit. Soriano brother! Wag niyong ipang sanga mga chapa niyo. Maging makatao kayo. Wag puro tapang dahil may baril kayo. Puro pa kayo lasing ng sumugod dito. ETO YUNGPOST KO NA PULIS NA. SUMBUNGERO PA SA TATAY.

PS:GUN BAN. NAKACIVILIAN SILA. PERO TATLO SILANG NAKASUKBIT YUNG BARIL.”

Hindi naman nakunan ng panig ang mga pulis na sumugod. Sana maimbestigahan ito para malaman rin ang dahilan kung bakit napasugod ang magkakapatid na pulis.

Ang post na ito ni Jessie Malaya ay trending na social media at umabot na sa 10k share sa loob ng 11 oras.

Reaksyon ng mga Netizens.

Ito naman ang naging reaksyon ng ilan Netizens sa pangyayaring ito.

SOURCE: Jessie Malaya

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think