Wow laki! P2.23 Kada-Araw, Bigay ng Programa ni Robredo sa bawat Isang Pamilya?

Hindi napiligan ng mga Netizens na kantsawan at pagtawanan ang pinagmamalaking ibibigay na tulong ng Office of the Vice President (OVP) mula sa kanilang programang ‘Angat Buhay’ kung saan aabot umano sa 155K pamilya ang matutulungan sa pondong P252 milyon na kanilang nilaan.

Vice President Leni Robredo (Photo by OVP)

Ang balita tungkol dito ay naiulat mismo ng Manila Bulletin News.

Pagmamalaki pa ni vice president Leni Robredo tungkol dito, “Hindi dahilan iyong limitadong budget, hindi dahilan iyong limitasyon sa kapangyarihan. Basta gustong tumulong, parating may matutulungan,”

Kung babasahin mo ang title ng artikulo na sinulat ng Manila Bulletin ay talagang mapapahanga ka dahil sa maraming pamilya ang matutulungan ng kampo ni VP Robredo.

Screenshot Article via: Manila Bulletin

Subalit magugulat ka sa kalkulasyon na ginawa ng isang Netizens tungkol dito. Ang Netizen na ito ay nakilalang si Benjie Daisy Contreras.

Ayon kay Contreras, nasa 2.23 pesos kada-araw o mahigit 66.9 pesos kada buwan lang umano ang matatanggap ng bawat isa sa 155,000 pamilya.

Basahin ang Buong Post ni Contreras

Bilang naging isang instructor ng Algebra at iba pang Math related subjects sa Kolehiyo, muli nating gamitin ang Math para patunayan kung talagang nabago ang buhay ng mga sinasabing nasa laylayan ni LENI ROBREDO sa loob ng dalawang taong panunungkulan sa hiram niyang puwesto. Ating himayin ang mga datos na kanyang ipinagmamayabang.

Sa binigay na datos ng OVP ni Robredo na natulungan ng Angat Buhay program nito:

P 252 M halaga ng aid ng

Angat Buhay

155,000 pamilya ang

nabigyan ng tulong

P252,000,000/155,000=P1,625.8

bawat pamilya sa 2 taon

P1,625.80 bawat pamilya/2 taon = P812.90 bawat pamilya sa 1 taon

P812.90 bawat pamilya/365 araw=

P2.23 bawat pamilya/araw

Malinaw sa datos, na nakabigay siya ng tulong (in the form of food, goods, clothing, household wares, medicines, medical kits, bottled water, portalets, trainings, projects etc.) sa mga sinasabi niyang nasa laylayan sa lipunan sa halagang P812.90 bawat pamilya sa bawat taon sa loob ng 2 taong panunungkulan niya.

Malinaw sa computations na nakabigay o nakatulong siya ng P2.23 bawat pamilya sa isang araw.

Ngayon ang tanong: Anong kaginhawahan ang naidulot o naibigay ng P2.23 sa isang pamilyang may limang miyembro sa araw-araw? Did it make a difference in their lives?

Kulang pa itong pambili ng kendi.

LENI ROBREDO AT OVP HUWAG KAYONG MAGMAYABANG SA SINASABI NINYONG TULONG NA NAIBIGAY SA MGA NASA LAYLAYAN SA LIPUNAN DAHIL WALA ITONG EPEKTO SA KANILANG ARAW-ARAW NA PAGBUHAY!

Aral na Natutuhan: Huwag ipangalandakan ang tulong na naibibigay. Ito’y gawing simple at sekreto para hindi mapahiya.”

Reaksyon ng mga Netizens

Ito ang mga reaksyon ng mga kababayan natin sa tulong na ibinigay ng kampo ni Robredo sa 155K pamilya. Kinantsawan lang ng ibang kababayan natin ang tulong na binigay ni VP Robredo. Basahin po ang ilan sa kanilang mga naging komento.

Ayon sa Netizen na si Tenorio, may kaibigan raw siya na humingi ng tulong kay Robredo pero hanggang ngayon hindi pa pinapansin.

Kantsaw naman ni Diesel, kulang pa raw pang-lollipop ng kanyang anak ang 2.23 pesos kada-araw na tulong ni VP Robredo.

Hinala naman ni Ryan, baka ibubulsa lang ang malaking pondo at hindi ibibigay sa pamilya na dapat bigyan.

Ito naman ang banat ni Costelo, hindi naman raw pera ni Robredo ang naitulong at puro lang umano katangahan ang alam niya.

SOURCE: Manila Bulletin | Benjie Daisy Contreras

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think